Pinakamabisang Gayuma Para Sa Taong Mahal Mo

Tuesday, August 1, 2023

gayuma, pag-ibig, lalaki, babae, ritwal, orasyon, dasal, mabisa, epektibo, pinakamabisa, pinakaepektibo

Paalala: Mag-ingat sa paggawa ng mga libreng ritwal na katulad nito dahil nagiging masama ang epekto ng isang gayuma kung hindi ito maidadaan sa tamang proseso. Ang unang hakbang ay alamin muna, sa pamamagitan ng isang psychic reading, kung makakatulong ba talaga ang ritwal at kung wala itong masamang balik. Kailangan din na may depensa ang gagawa ng ritwal upang maiwasan ang mga problema.




Gawin ang gayuma o ritwal na ito sa lugar na hindi mahangin at walang makakakita sa iyo. At dapat din na kalmado at positibo ka habang ginagawa mo ang ritwal.

Mga Gagamitin sa Ritwal

πŸ•―️ sandalwood insence stick or cone
πŸ•―️ posporo o lighter
πŸ•―️ malinis na botelya
πŸ•―️ tatlong puti o pulang kandila
πŸ•―️ isang pirasong dahon ng laurel
πŸ•―️ panulat
πŸ•―️ papel
πŸ•―️ cinnamon powder
πŸ•―️ honey
πŸ•―️ powdered laurel

Proseso

1. Gamit ang insenso, kagaya ng sandalwood incense stick, pausukan muna ang botelya na gagamitin sa ritwal. Kung gamit na ito, siguraduhin na hinugasan muna ito at pinatuyo.

Isabay na rin sa pagpapausok ang tatlong kandila. Maaari kang gumamit ng ibang klase ng kandila kagaya ng nabibili sa sari-sari store. Kung walang pula, puti ang gamitin.

2. Sa isang piraso ng papel, isulat mo ang mga nais mong gawin ng taong mahal mo. Huwag mong isusulat ang mga bagay na ayaw niyang gawin mo. Halimbawa, imbes na isulat mong "Hindi ka nagtataksil sa akin", mas magandang isulat mong "Nagiging tapat ka sa akin". Ito ay dapat na nangyayari na, hindi mangyayari pa lang. Siguraduhin din na hindi ito maligoy. Kaya naman pag-isipan munang mabuti ang mga isusulat mo bago isagawa ang gayuma na ito.

3. Isulat sa dahon ng laurel ang buong pangalan ng babae o lalaking mahal mo gamit ang anumang panulat. Kung alam ang araw ng kaniyang kapanganakan, isulat rin ito sa ilalim ng kaniyang buong pangalan.

Ipaloob ito sa iyong mga palad habang tinatawag nang paulet-ulet ang kaniyang pangalan sa loob ng ilang segundo. Ihipan ito ng pitong beses.

4. I-rolyo ang papel na nakapaloob ang dahon ng laurel.

Ilagay ito sa loob ng botelya. Lagyan ito ng cinnamon powder at ng honey. Ihipan ang loob nito ng pitong beses at kaagad itong takpan. Kalugin ito hanggang sa maghalong mabuti ang cinnamon powder at honey.

5. Ipuwesto ang mga kandila na patatsulok sa paligid ng botelya. Isaisa silang sindihan simula sa kandilang nasa itaas ng botelya, sa kanan nito hanggang sa kaliwa nito. Budburan ng powdered na dahon ng laurel ang mga kandila at ang paligid ng botelya nang tatlong beses. Maaari mo na itong iwanan hanggang sa maubos ang mga kandila. Siguraduhin lang na walang makakakita dito at hindi mapapatay ng hangin ang apoy ng mga kandila.

6. Kapag ubos na ang mga kandila, itago ang love charm sa lugar na walang makakakita sa kaniya. Maaari mo din itong dalhin sa tuwing makakasama mo ang iyong mahal. Kung makikita at mahahawakan niya ito, mawawalan ito ng bisa.

Paano ito tanggalan ng bisa?

Buksan ang botelya ito at itapon ang laman nito. Sa ganitong paraan, hindi ito magkakaroon ng masamang epekto sa inyong dalawa.

Epektibong Gayuma sa Pag-ibig:

πŸ§‰ Ritwal para Bumalik ang Ex

πŸ§‰ Ritwal para Tumino ang Asawa o Kasintahang Nagloloko

πŸ§‰ Ritwal para Mapaibig ang Lalaki o Babaeng Gusto

May Masama bang Epekto ang Gayuma?

Thursday, July 20, 2023

gayuma, pag-ibig, lalaki, babae, ritwal, orasyon, dasal, mabisa, epektibo, pinakamabisa, pinakaepektibo

Alam mo ba? Ang gayuma sa pag-ibig ay hindi naman talaga masama kung gagamitin ito sa mabuti. Nagiging masama lang ang epekto nito kapag ito ay inaabuso. At kahit na maganda ang intensyon, kung hindi tama ang proseso, maaari itong magdulot ng mga negatibong epekto.

Narito ang ilang palatandaan na maaaring maranasan ng isang tao dahil sa maling paggamit ng gayuma:

  • Pakiramdam na parang mainit o nililiyaban ang katawan.
  • Hirap mag-concentrate o mag-isip nang malinaw.
  • Nawawalan ng gana sa pagkain, na nagiging sanhi ng panghihina o pagkakasakit.
  • Biglaang pagkawala ng interes sa partner kahit walang malinaw na dahilan.
  • Sa matinding kaso, iniwan na ang pamilya at mga pangarap para makasama lang ang taong gumagayuma o nagpapagayuma sa kaniya.

Kung napapansin mo ang mga sintomas na ito sa iyong sarili o sa partner mo, mas mabuting magpakonsulta muna sa isang psychic reader. Siguraduhin lang na mapagkakatiwalaan ang iyong hihingan ng tulong dahil marami ngayon ang nagiging biktima ng mga mapagsamantala.

Kaya naman, mahalagang huwag basta-basta gumawa ng mga libreng ritwal na napapanood lang sa YouTube dahil hindi natin tiyak kung tama ba ang proseso ng mga ito. Mas makabubuting iwasan din ang pagbili ng mga love potions online, dahil sa halip na makatulong, maaari pa nitong palalain ang iyong sitwasyon. Dapat muna magsagawa ng psychic reading ang nagbebenta upang matiyak na ang potion ay walang magiging negatibong epekto at talagang makakatulong sa iyo.




Para sa libreng konsultasyon, i-fill-out lang ang form sa ibaba:


Paano Manggayuma Gamit ang Damit

Friday, March 24, 2023

gayuma, pag-ibig, lalaki, babae, ritwal, orasyon, dasal, mabisa, epektibo, pinakamabisa, pinakaepektibo

Paalala: Mag-ingat sa paggawa ng mga libreng ritwal na katulad nito dahil nagiging masama ang epekto ng isang gayuma kung hindi ito maidadaan sa tamang proseso. Ang unang hakbang ay alamin muna, sa pamamagitan ng isang psychic reading, kung makakatulong ba talaga ang ritwal at kung wala itong masamang balik. Kailangan din na may depensa ang gagawa ng ritwal upang maiwasan ang mga problema.




Ngayon, ituturo ko sa inyo kung paano gumawa ng simpleng gayuma gamit ang damit ng taong gusto mong mapaibig o mapabalik sa iyong piling. Maaari mo din itong gamitin sa pagpapatino ng isang kasintahan o asawang nagloloko.

Para sa ritwal na ito, kakailanganin mo ng mga sumusunod:

πŸ•―️ Isang piraso ng damit ng taong papaiibigin. Mas maganda kung hindi pa ito nalabhan. Kung nalabhan na, mababa ang tiyansa na mapatalab ang ritwal na ito ngunit maaari mo pa rin namang subukan. Maaari ka ring gumamit ng panyo, bimpo, salawal o iba pang gamit ng target na kaniyang pinagpawisan.

πŸ•―️ Isang malinis na pulang pouch kung saan maaaring magkasya ang damit na iyong gagamitan ng ritwal.

πŸ•―️ Isang rose quartz

πŸ•―️ Pabango na madalas mong gamitin

Paano ito gawin?

1.Ilagay ang damit ng iyong target sa loob ng pulang pouch.

2. Hawakan ang rose quartz habang sinasabi kahit sa iyong isipan lang ang kahilingan. Maaari mong sabihin — “panumbalikin mo ang pagmamahal ni [buong pangalan ng target] sa akin at pabalikin siya sa aking piling”. Isaisip na nasa iyong harapan na ang target habang sinasambit nito ang mga salitang nais mong marining mula sa kaniya. Dapat ay masaya ka habang ginagawa mo ito.

3. Ilagay ang rose quartz sa loob ng pouch. Ang rose quartz ay kilala bilang bato ng pag-ibig na makakatulong na palakasin ang koneksyon ng dalawang tao sa isa’t-isa.

4. Patakan o i-sprayan ng pabango ang loob ng pouch. Ang amoy nito ay sumisimbolo sa iyong presensya kaya makabubuti na gumamit ng paborito mong pabango.

5. Isara ang pouch. Itago ito sa isang lugar na malapit sa iyo, tulad ng ilalim ng iyong unan o sa loob ng iyong bag upang patuloy na umepekto ang gayuma.

Huwag mo itong pahahawakan o ipapakita sa iba. Dapat din na walang sinuman ang makaalam ng iyong ginawang ritwal kahit pa ang mga taong malapit sa iyo. Kung mangyayari ito, mawawalan ng bisa ang iyong ginawa at magkaroon pa ito ng negatibong epekto sa iyo.

Kung nais na pawalan ng bisa ang iyong ginawa, sunugin ang pouch kasama ang damit. Ang rose quartz naman ay maaaring hugasan ng malinis na tubig upang magamit sa ibang ritwal.

Epektibong Gayuma sa Pag-ibig:

πŸ§‰ Ritwal para Bumalik ang Ex

πŸ§‰ Ritwal para Tumino ang Asawa o Kasintahang Nagloloko

πŸ§‰ Ritwal para Mapaibig ang Lalaki o Babaeng Gusto

Totoo ba ang Gayuma Love Potion?

Friday, October 21, 2022

gayuma, love, potion, babae, lalaki, asawa, ex, minamahal, pampabalik, panghalina, pampasuko, pampasunod, pampaamo, pagkain, inumin, pag-ibig, mabisa, epektibo, totoo
Ang love potion ay isa lamang sa mga uri ng gayuma. Ito ay gawa mula sa mga halaman, bahagi ng hayop, at iba pang natural na sangkap. Pinaniniwalaan na ito ay nagtataglay ng kapangyarihang mapaamo o mapasunod ang isang tao.

Paano nga ba magiging epektibo ang isang love potion?

1. Dapat na ito ay ginawa sa pamamagitan ng isang ritwal ng isang taong may alam sa paggawa ng gayuma o tinatawag na manggagayuma. Tandaan na kung hindi masusunod ang tamang proseso, wala itong magiging bisa o maaari pa nga na magkaroon ng negatibong epekto sa gagamit at paggagamitan nito. Kaya dapat lang na komunsulta sa may alam.

2. Ito ay eepekto lamang kung mailalagay sa pagkain o inumin ng lalaki o babaeng gagayumahin isa hangang tatlong beses kada linggo. Kaya kung hindi mo magagawa ito, maaari kang sumubok ng ibang uri ng gayuma kagaya ng ritwal na ginagamitan lang ng litrato ng taong papaibigin o papaamuhin.

3. Siguraduhin na hindi mo matitikman ang pagkain o inumin na pinaglagyan nito dahil maaaring mawalan ito ng bisa.

4. Mawawalan din ito ng epekto kung ang pagkain o inumin na pinatakan nito ay nalasahan din ng ibang tao. Kaya siguraduhin na tanging ang taong gagayumahin lang ang mabibigyan nito.

5. Hindi rin ito magiging mabisa kung malalaman ng pinaggamitan nito na siya ay nagayuma kaya siguraduhin na walang sΔ±numan ang makakaalam ng iyong ginagawa.

6. Kung nagtataglay ng malakas na pangontra ang isang gagayumahin, maaaring wala itong maging epekto sa kaniya.

7. Makabubuting gamitin na ito sa loob ng tatlong buwan simula sa araw na ito ay nabuksan o naggamit.

Tandaan na ang bawat manggagayuma ay may kani-kaniyang mga alituntunin sa paggamit ng kanilang love potion.

Kung nais na makabili ng mabisang gayuma love potion na ginawa ng isang manggagayuma, i-click ang link na ito: https://www.gayumaonline.com/p/gayuma-love-potion-for-sale.html

Epektibong Gayuma sa Pag-ibig:

πŸ§‰ Ritwal para Bumalik ang Ex

πŸ§‰ Ritwal para Tumino ang Asawa o Kasintahang Nagloloko

πŸ§‰ Ritwal para Mapaibig ang Lalaki o Babaeng Gusto