Totoo ba ang Gayuma Love Potion?

Friday, October 21, 2022

gayuma, love, potion, babae, lalaki, asawa, ex, minamahal, pampabalik, panghalina, pampasuko, pampasunod, pampaamo, pagkain, inumin, pag-ibig, mabisa, epektibo, totoo
Ang love potion ay isa lamang sa mga uri ng gayuma. Ito ay gawa mula sa mga halaman, bahagi ng hayop, at iba pang natural na sangkap. Pinaniniwalaan na ito ay nagtataglay ng kapangyarihang mapaamo o mapasunod ang isang tao.

Paano nga ba magiging epektibo ang isang love potion?

1. Dapat na ito ay ginawa sa pamamagitan ng isang ritwal ng isang taong may alam sa paggawa ng gayuma o tinatawag na manggagayuma. Tandaan na kung hindi masusunod ang tamang proseso, wala itong magiging bisa o maaari pa nga na magkaroon ng negatibong epekto sa gagamit at paggagamitan nito. Kaya dapat lang na komunsulta sa may alam.

2. Ito ay eepekto lamang kung mailalagay sa pagkain o inumin ng lalaki o babaeng gagayumahin isa hangang tatlong beses kada linggo. Kaya kung hindi mo magagawa ito, maaari kang sumubok ng ibang uri ng gayuma kagaya ng ritwal na ginagamitan lang ng litrato ng taong papaibigin o papaamuhin.

3. Siguraduhin na hindi mo matitikman ang pagkain o inumin na pinaglagyan nito dahil maaaring mawalan ito ng bisa.

4. Mawawalan din ito ng epekto kung ang pagkain o inumin na pinatakan nito ay nalasahan din ng ibang tao. Kaya siguraduhin na tanging ang taong gagayumahin lang ang mabibigyan nito.

5. Hindi rin ito magiging mabisa kung malalaman ng pinaggamitan nito na siya ay nagayuma kaya siguraduhin na walang sΔ±numan ang makakaalam ng iyong ginagawa.

6. Kung nagtataglay ng malakas na pangontra ang isang gagayumahin, maaaring wala itong maging epekto sa kaniya.

7. Makabubuting gamitin na ito sa loob ng tatlong buwan simula sa araw na ito ay nabuksan o naggamit.

Tandaan na ang bawat manggagayuma ay may kani-kaniyang mga alituntunin sa paggamit ng kanilang love potion.

Kung nais na makabili ng mabisang gayuma love potion na ginawa ng isang manggagayuma, i-click ang link na ito: https://www.gayumaonline.com/p/gayuma-love-potion-for-sale.html

Epektibong Gayuma sa Pag-ibig:

πŸ§‰ Ritwal para Bumalik ang Ex

πŸ§‰ Ritwal para Tumino ang Asawa o Kasintahang Nagloloko

πŸ§‰ Ritwal para Mapaibig ang Lalaki o Babaeng Gusto

Gayuma para Bumalik o Mapasunod ang Taong Minamahal

Thursday, March 3, 2022

gayuma, pag-ibig, lalaki, babae, ritwal, orasyon, dasal, mabisa, epektibo, pinakamabisa, pinakaepektibo

Paalala: Mag-ingat sa paggawa ng mga libreng ritwal na katulad nito dahil nagiging masama ang epekto ng isang gayuma kung hindi ito maidadaan sa tamang proseso. Ang unang hakbang ay alamin muna, sa pamamagitan ng isang psychic reading, kung makakatulong ba talaga ang ritwal at kung wala itong masamang balik. Kailangan din na may depensa ang gagawa ng ritwal upang maiwasan ang mga problema.




Maaari mo itong gawin kung nais mong:


Mga Kakailanganin:

πŸ•―️ ordinaryong garapon na may takip na metal
πŸ•―️ kapiraso ng papel
πŸ•―️ ballpen
πŸ•―️ permanent marker
πŸ•―️ 3 kutsarita ng laurel
πŸ•―️ 3 kutsarita ng cloves
πŸ•―️ 3 kutsarita ng cinnamon
πŸ•―️ 1 kutsarita ng chili powder
πŸ•―️ 3 kutsarita ng asukal
πŸ•―️ pula o puting kandila
πŸ•―️ lighter

Proseso:

Gawin ito sa pribadong lugar, at dapat na walang makakaalam ng iyong gagawin.

Kung nais na maging mas malakas ang bisa nito, gawin ito sa araw na papalaki ang buwan o kabilugan nito.

1. Isulat sa kapiraso ng papel ang buong pangalan at araw ng kapanganakan ng gagawan ng ritwal. I-rolyo ang papel na papalapit sa iyo.

2. Habang hawak ang papel, banggitin ang pangalan ng target ng pitong beses.

3. Huminga nang malalim, at ihipan ang papel ng pitong beses, at ilagay ito sa loob ng garapon.

4. Ihalo dito ang laurel, cloves, cinnamon stick, chili powder, at asukal.

5. Ipatong ang iyong mga palad sa ibabaw ng garapon. Habang ginagawa ito ay isaisip mo na kasama mo o nasa iyong harapan ang iyong target. Kung mahihirapan kang gawin yan, maaari mong banggitin ang kaniyang pangalan nang paulet-ulet.

6. Huminga nang malalim, at dahan-dahang ihipan ng pitong beses ang loob ng garapon, at isara ito.

7. Isulat ang iyong buong pangalan sa labas ng garapon.

8. Kalugin ang garapon nang paulet-ulet habang iniisip o binabanggit ang iyong kahilingan.

9. Magsindi ng pula o puting kandila. I-seal ng wax ng kandila ang paligid ng takip ng garapon.

10. Tirikan ito ng puti o pulang kandila tuwing gabi hanggang sa mangyari ang iyong gusto.

Tandaan:
  • Huwag hayaan na makita at mahawakan ito ng iba.
  • Kapag natupad na ang iyong kahilingan, itago ito sa lugar kung saan walang makakakita dito.
  • Sunugin ang laman ng garapon, at burahin ang pangalan na nakasulat dito kung nais na pawalang bisa ang gayuma.


Epektibong Gayuma sa Pag-ibig:

πŸ§‰ Ritwal para Bumalik ang Ex

πŸ§‰ Ritwal para Tumino ang Asawa o Kasintahang Nagloloko

πŸ§‰ Ritwal para Mapaibig ang Lalaki o Babaeng Gusto

Orasyon: Gayuma sa Titig

Tuesday, January 4, 2022

Paalala: Mag-ingat sa paggawa ng mga libreng ritwal na katulad nito dahil nagiging masama ang epekto ng isang gayuma kung hindi ito maidadaan sa tamang proseso. Ang unang hakbang ay alamin muna, sa pamamagitan ng isang psychic reading, kung makakatulong ba talaga ang ritwal at kung wala itong masamang balik. Kailangan din na may depensa ang gagawa ng ritwal upang maiwasan ang mga problema.




Usalin ang dasal or orasyon na ito tuwing kabilugan ng buwan sa lugar na walang makakakita sa iyo.

Tumapat sa silangan na nakatitig sa bilog na buwan habang inuusal ang orasyon na ito nang labintatlong beses:

"Bilog na buwan sa kalangitan,
Liwanag mong namumutawi sa sanlibutan,
Taglay mong karilagan, sa mga mata ko’y iatang,
Hayaang mahumaling sa akin ang taong tititigan."


Tandaan:
  • Siguraduhin mo na titingnan sa mata ang babae o lalaking nais mong gayumahin sa tuwing makikipag-usap ka sa kaniya.
  • Usalin ang orasyon sa tuwing kabilugan ng buwan hanggang sa mapaibig mo ang isang tao.
  • Huwag mong ipagsasabi ang iyong ginagawa at huwag ring hayaan na makita ang iyong repleksyon sa salamin upang hindi mawalan ng bisa nito.


Epektibong Gayuma sa Pag-ibig:

πŸ§‰ Ritwal para Bumalik ang Ex

πŸ§‰ Ritwal para Tumino ang Asawa o Kasintahang Nagloloko

πŸ§‰ Ritwal para Mapaibig ang Lalaki o Babaeng Gusto

Mabisang Gayuma Gamit ang Pangalan o Picture

Sunday, December 12, 2021

gayuma, pag-ibig, lalaki, babae, ritwal, orasyon, dasal, mabisa, epektibo, pinakamabisa, pinakaepektibo

Paalala: Mag-ingat sa paggawa ng mga libreng ritwal na katulad nito dahil nagiging masama ang epekto ng isang gayuma kung hindi ito maidadaan sa tamang proseso. Ang unang hakbang ay alamin muna, sa pamamagitan ng isang psychic reading, kung makakatulong ba talaga ang ritwal at kung wala itong masamang balik. Kailangan din na may depensa ang gagawa ng ritwal upang maiwasan ang mga problema.




Gawin ito ala sais ng hapon, o alas-dose ng hatinggabi tuwing Biyernes sa lugar na hindi mahangin, at walang makakakita sa iyo.

Tandaan na walang sinuman ang dapat na makaalam ng iyong ginagawa.

Mga Kailanganin:

πŸ•―️ 1 puting kandila
πŸ•―️ litrato ng gagayumahin
πŸ•―️ panulat
πŸ•―️ asin
πŸ•―️ karayom

Proseso:

1. Gawin ang gayuma na ito na nakaharap sa silangan, o sa direksyon na sinisikatan ng araw.

2. Isulat ang buong pangalan ng iyong gagayumahin sa likod ng kaniyang litrato. Kung alam ang araw ng kaniyang kapanganakan, isulat yan sa ibaba ng kaniyang buong pangalan. Ilapag ito na nakatapat ang kaniyang mukha sa iyo.

3. Palibutan ng asin ang kaniyang larawan. Magsimula sa itaas na bahagi na umaayon sa ikot ng orasan, o clockwise.

4. Gamit ang karayom, iukit sa kandila ang iyong buong pangalan at araw ng kapanganakan simula sa ibabang bahagi nito patungong mitsa. Sindihan ito at itayo sa ibabaw ng kaniyang litrato.

5. Paulit-ulit na ibulong ang kaniyang pangalan habang isinasaisip na umaamin na ito ng pag-ibig sa iyo. Kapag ramdam mong sapat na ang iyong ginawa, maaari ka nang tumigil at iwanan na ang kandila hanggang sa maubos ito.

6. Kung upos na ang kandila, ilagay sa isang malinis na garapon ang mga natira sa ginamit sa ritwal kagaya ng abo ng larawan, ang natunaw na kandila at asin. Itago ito sa lugar kung saan walang makakakita sa kaniya.

7. Para mapalakas at mapanatili ang bisa ng ritwal, ibilad sa liwanag ng bilog na buwan ang garapon sa loob ng ilang minuto kada buwan. Siguraduhin na hindi ito makikita o mahahawakan ng iba habang isinasagawa ito.

Kapag tapos na ang ritwal, makakakita ka ng resulta sa loob ng isang linggo hanggang isang buwan.

Epektibong Gayuma sa Pag-ibig:

πŸ§‰ Ritwal para Bumalik ang Ex

πŸ§‰ Ritwal para Tumino ang Asawa o Kasintahang Nagloloko

πŸ§‰ Ritwal para Mapaibig ang Lalaki o Babaeng Gusto