Orasyon: Gayuma sa Titig

Tuesday, January 4, 2022

Paalala: Mag-ingat sa paggawa ng mga libreng ritwal na katulad nito dahil nagiging masama ang epekto ng isang gayuma kung hindi ito maidadaan sa tamang proseso. Ang unang hakbang ay alamin muna, sa pamamagitan ng isang psychic reading, kung makakatulong ba talaga ang ritwal at kung wala itong masamang balik. Kailangan din na may depensa ang gagawa ng ritwal upang maiwasan ang mga problema.




Usalin ang dasal or orasyon na ito tuwing kabilugan ng buwan sa lugar na walang makakakita sa iyo.

Tumapat sa silangan na nakatitig sa bilog na buwan habang inuusal ang orasyon na ito nang labintatlong beses:

"Bilog na buwan sa kalangitan,
Liwanag mong namumutawi sa sanlibutan,
Taglay mong karilagan, sa mga mata ko’y iatang,
Hayaang mahumaling sa akin ang taong tititigan."


Tandaan:
  • Siguraduhin mo na titingnan sa mata ang babae o lalaking nais mong gayumahin sa tuwing makikipag-usap ka sa kaniya.
  • Usalin ang orasyon sa tuwing kabilugan ng buwan hanggang sa mapaibig mo ang isang tao.
  • Huwag mong ipagsasabi ang iyong ginagawa at huwag ring hayaan na makita ang iyong repleksyon sa salamin upang hindi mawalan ng bisa nito.


Epektibong Gayuma sa Pag-ibig:

🧉 Ritwal para Bumalik ang Ex

🧉 Ritwal para Tumino ang Asawa o Kasintahang Nagloloko

🧉 Ritwal para Mapaibig ang Lalaki o Babaeng Gusto

Mabisang Gayuma Gamit ang Pangalan o Picture

Sunday, December 12, 2021

gayuma, pag-ibig, lalaki, babae, ritwal, orasyon, dasal, mabisa, epektibo, pinakamabisa, pinakaepektibo

Paalala: Mag-ingat sa paggawa ng mga libreng ritwal na katulad nito dahil nagiging masama ang epekto ng isang gayuma kung hindi ito maidadaan sa tamang proseso. Ang unang hakbang ay alamin muna, sa pamamagitan ng isang psychic reading, kung makakatulong ba talaga ang ritwal at kung wala itong masamang balik. Kailangan din na may depensa ang gagawa ng ritwal upang maiwasan ang mga problema.




Gawin ito ala sais ng hapon, o alas-dose ng hatinggabi tuwing Biyernes sa lugar na hindi mahangin, at walang makakakita sa iyo.

Tandaan na walang sinuman ang dapat na makaalam ng iyong ginagawa.

Mga Kailanganin:

đŸ•¯️ 1 puting kandila
đŸ•¯️ litrato ng gagayumahin
đŸ•¯️ panulat
đŸ•¯️ asin
đŸ•¯️ karayom

Proseso:

1. Gawin ang gayuma na ito na nakaharap sa silangan, o sa direksyon na sinisikatan ng araw.

2. Isulat ang buong pangalan ng iyong gagayumahin sa likod ng kaniyang litrato. Kung alam ang araw ng kaniyang kapanganakan, isulat yan sa ibaba ng kaniyang buong pangalan. Ilapag ito na nakatapat ang kaniyang mukha sa iyo.

3. Palibutan ng asin ang kaniyang larawan. Magsimula sa itaas na bahagi na umaayon sa ikot ng orasan, o clockwise.

4. Gamit ang karayom, iukit sa kandila ang iyong buong pangalan at araw ng kapanganakan simula sa ibabang bahagi nito patungong mitsa. Sindihan ito at itayo sa ibabaw ng kaniyang litrato.

5. Paulit-ulit na ibulong ang kaniyang pangalan habang isinasaisip na umaamin na ito ng pag-ibig sa iyo. Kapag ramdam mong sapat na ang iyong ginawa, maaari ka nang tumigil at iwanan na ang kandila hanggang sa maubos ito.

6. Kung upos na ang kandila, ilagay sa isang malinis na garapon ang mga natira sa ginamit sa ritwal kagaya ng abo ng larawan, ang natunaw na kandila at asin. Itago ito sa lugar kung saan walang makakakita sa kaniya.

7. Para mapalakas at mapanatili ang bisa ng ritwal, ibilad sa liwanag ng bilog na buwan ang garapon sa loob ng ilang minuto kada buwan. Siguraduhin na hindi ito makikita o mahahawakan ng iba habang isinasagawa ito.

Kapag tapos na ang ritwal, makakakita ka ng resulta sa loob ng isang linggo hanggang isang buwan.

Epektibong Gayuma sa Pag-ibig:

🧉 Ritwal para Bumalik ang Ex

🧉 Ritwal para Tumino ang Asawa o Kasintahang Nagloloko

🧉 Ritwal para Mapaibig ang Lalaki o Babaeng Gusto