Paalala: Mag-ingat sa paggawa ng mga libreng ritwal na katulad nito dahil nagiging masama ang epekto ng isang gayuma kung hindi ito maidadaan sa tamang proseso. Ang unang hakbang ay alamin muna, sa pamamagitan ng isang psychic reading, kung makakatulong ba talaga ang ritwal at kung wala itong masamang balik. Kailangan din na may depensa ang gagawa ng ritwal upang maiwasan ang mga problema.
Gawin ang
gayuma o ritwal na ito sa lugar na hindi mahangin at walang makakakita sa iyo. At dapat din na kalmado at positibo ka habang ginagawa mo ang ritwal.
Mga Gagamitin sa Ritwal
đ¯️ sandalwood insence stick or cone
đ¯️ posporo o lighter
đ¯️ malinis na botelya
đ¯️ tatlong puti o pulang kandila
đ¯️ isang pirasong dahon ng laurel
đ¯️ panulat
đ¯️ papel
đ¯️ cinnamon powder
đ¯️ honey
đ¯️ powdered laurel
Proseso
1. Gamit ang insenso, kagaya ng sandalwood incense stick, pausukan muna ang botelya na gagamitin sa ritwal. Kung gamit na ito, siguraduhin na hinugasan muna ito at pinatuyo.
Isabay na rin sa pagpapausok ang tatlong kandila. Maaari kang gumamit ng ibang klase ng kandila kagaya ng nabibili sa sari-sari store. Kung walang pula, puti ang gamitin.
2. Sa isang piraso ng papel, isulat mo ang mga nais mong gawin ng taong mahal mo. Huwag mong isusulat ang mga bagay na ayaw niyang gawin mo. Halimbawa, imbes na isulat mong
"Hindi ka nagtataksil sa akin", mas magandang isulat mong
"Nagiging tapat ka sa akin". Ito ay dapat na nangyayari na, hindi mangyayari pa lang. Siguraduhin din na hindi ito maligoy. Kaya naman pag-isipan munang mabuti ang mga isusulat mo bago isagawa ang gayuma na ito.
3. Isulat sa dahon ng laurel ang buong pangalan ng babae o lalaking mahal mo gamit ang anumang panulat. Kung alam ang araw ng kaniyang kapanganakan, isulat rin ito sa ilalim ng kaniyang buong pangalan.
Ipaloob ito sa iyong mga palad habang tinatawag nang paulet-ulet ang kaniyang pangalan sa loob ng ilang segundo. Ihipan ito ng pitong beses.
4. I-rolyo ang papel na nakapaloob ang dahon ng laurel.
Ilagay ito sa loob ng botelya. Lagyan ito ng cinnamon powder at ng honey. Ihipan ang loob nito ng pitong beses at kaagad itong takpan. Kalugin ito hanggang sa maghalong mabuti ang cinnamon powder at honey.
5. Ipuwesto ang mga kandila na patatsulok sa paligid ng botelya. Isaisa silang sindihan simula sa kandilang nasa itaas ng botelya, sa kanan nito hanggang sa kaliwa nito. Budburan ng powdered na dahon ng laurel ang mga kandila at ang paligid ng botelya nang tatlong beses. Maaari mo na itong iwanan hanggang sa maubos ang mga kandila. Siguraduhin lang na walang makakakita dito at hindi mapapatay ng hangin ang apoy ng mga kandila.
6. Kapag ubos na ang mga kandila, itago ang love charm sa lugar na walang makakakita sa kaniya. Maaari mo din itong dalhin sa tuwing makakasama mo ang iyong mahal. Kung makikita at mahahawakan niya ito, mawawalan ito ng bisa.
Paano ito tanggalan ng bisa?
Buksan ang botelya ito at itapon ang laman nito. Sa ganitong paraan, hindi ito magkakaroon ng masamang epekto sa inyong dalawa.
Epektibong Gayuma sa Pag-ibig:
đ§
Ritwal para Bumalik ang Ex
đ§
Ritwal para Tumino ang Asawa o Kasintahang Nagloloko
đ§
Ritwal para Mapaibig ang Lalaki o Babaeng Gusto