Paano Manggayuma Gamit ang Damit

Ngayon, ituturo ko sa inyo kung paano gumawa ng simpleng gayuma gamit ang damit ng taong gusto mong mapaibig o mapabalik sa iyong piling. Maaari mo din itong gamitin sa pagpapatino ng isang kasintahan o asawang nagloloko.

Para sa ritwal na ito, kakailanganin mo ng mga sumusunod:

🕯️ Isang piraso ng damit ng taong papaiibigin. Mas maganda kung hindi pa ito nalabhan. Kung nalabhan na, mababa ang tiyansa na mapatalab ang ritwal na ito ngunit maaari mo pa rin namang subukan. Maaari ka ring gumamit ng panyo, bimpo, salawal o iba pang gamit ng target na kaniyang pinagpawisan.

🕯️ Isang malinis na pulang pouch kung saan maaaring magkasya ang damit na iyong gagamitan ng ritwal.

🕯️ Isang rose quartz

🕯️ Pabango na madalas mong gamitin

Paano ito gawin?

1.Ilagay ang damit ng iyong target sa loob ng pulang pouch.

2. Hawakan ang rose quartz habang sinasabi kahit sa iyong isipan lang ang kahilingan. Maaari mong sabihin — “panumbalikin mo ang pagmamahal ni [buong pangalan ng target] sa akin at pabalikin siya sa aking piling”. Isaisip na nasa iyong harapan na ang target habang sinasambit nito ang mga salitang nais mong marining mula sa kaniya. Dapat ay masaya ka habang ginagawa mo ito.

3. Ilagay ang rose quartz sa loob ng pouch. Ang rose quartz ay kilala bilang bato ng pag-ibig na makakatulong na palakasin ang koneksyon ng dalawang tao sa isa’t-isa.

4. Patakan o i-sprayan ng pabango ang loob ng pouch. Ang amoy nito ay sumisimbolo sa iyong presensya kaya makabubuti na gumamit ng paborito mong pabango.

5. Isara ang pouch. Itago ito sa isang lugar na malapit sa iyo, tulad ng ilalim ng iyong unan o sa loob ng iyong bag upang patuloy na umepekto ang gayuma.

Huwag mo itong pahahawakan o ipapakita sa iba. Dapat din na walang sinuman ang makaalam ng iyong ginawang ritwal kahit pa ang mga taong malapit sa iyo. Kung mangyayari ito, mawawalan ng bisa ang iyong ginawa at magkaroon pa ito ng negatibong epekto sa iyo.

Kung nais na pawalan ng bisa ang iyong ginawa, sunugin ang pouch kasama ang damit. Ang rose quartz naman ay maaaring hugasan ng malinis na tubig upang magamit sa ibang ritwal.

Free Online Consultation

Punan ang form na ito upang makakuha ng slot para sa libreng konsultasyon: