Mabisang Gayuma at Orasyon sa Pag-ibig Gamit ang Pangalan at Larawan



Bukod sa pang-akit ng lalake o babaeng gusto, magagamit mo rin ang orasyon na ito para mapabalik ang iyong ex o asawa at mapaamo ang nasaktang tao upang makuha mo ang kaniyang kapatawaran.

Gawin ito alas-sais ng hapon o alas-dose ng hatinggabi tuwing Biyernes sa isang lugar na hindi mahangin at kung saan walang makakakita sa iyo.

Mga Kakailanganin:

  • 🕯️ 1 puting kandila
  • 🕯️ Litrato ng gagayumahin
  • 🕯️ Panulat
  • 🕯️ Asin
  • 🕯️ Karayom

Proseso:

  1. Gawin ang pinakamalakas at pinakamabisang gayuma na ito habang nakaharap sa silangan o sa direksyon ng sinisikatan ng araw.
  2. Isulat ang buong pangalan ng taong mahal mo sa likod ng kanyang litrato. Kung alam ang araw ng kanyang kapanganakan, isulat ito sa ibaba ng kanyang buong pangalan. Ilapag ang litrato nang nakaharap ang kanyang mukha sa iyo.
  3. Palibutan ng asin ang kanyang litrato, simula sa itaas na bahagi nito, umaayon sa direksyon ng orasan (clockwise).
  4. Gamit ang karayom, iukit ang iyong buong pangalan at araw ng kapanganakan sa kandila, mula sa ibabang bahagi nito pataas sa mitsa. Sindihan ang kandila at itayo ito sa ibabaw ng kanyang litrato.
  5. Paulit-ulit na usalin ang orasyon na nasa ibaba habang iniisip na umaamin na siya ng pag-ibig sa iyo. Kapag ramdam mong sapat na ang iyong ginawa, maaari ka nang tumigil at iwanan ang kandila hanggang sa maubos ito.

Cor et animus (buong pangalan ng target), ad me trahantur sicut ferrum ad magnetem. Sic fiat.

  1. Kapag upos na ang kandila, ilagay sa isang malinis na garapon ang mga natira sa ginamit sa ritwal tulad ng abo ng larawan, natunaw na kandila, at asin. Itago ito sa lugar kung saan walang makakakita.
  2. Para mapalakas at mapanatili ang bisa ng ritwal, ibilad ang garapon sa liwanag ng bilog na buwan sa loob ng ilang minuto kada buwan at ulitin ang orasyon ng pitong beses. Siguraduhin na hindi ito makikita o mahahawakan ng iba habang isinasagawa ito.

Kapag tapos na ang ritwal, makakakita ka ng resulta sa loob ng isang linggo hanggang isang buwan.


Kumonsulta sa Isang Ekspertong Manggagayuma Upang Makasiguro

Huwag umasa sa libreng ritwal at orasyon na walang kasiguraduhan at maaaring makasama pa sa iyo. Punan ang form sa ibaba upang magpagawa ng ritwal sa may karanasan at kaalaman sa panggagayuma. Mas mabuting malaman muna kung talagang makakatulong ang gayuma sa iyo para maiwasan ang pag-aaksaya ng oras at enerhiya, at makaiwas sa masamang balik.